Tama

歌手: Vance Larena • 专辑:Tama • 发布时间:2020-03-20
作词 : David Dimaguila
作曲 : David Dimaguila
Sabi daw nila
Na sa kabilang eskinita
May kasama siyang iba
Ilang beses na silang nakita
Magkahawak ang kamay
Baka naman ito’y walang malisya
O ‘di naman kaya
Maling mali siya
Tama na
Tama na

‘Di ko na alam ang gagawin ko
Ilihim ko na lang o tanungin ko?
Paano kung hindi naman totoo
Mga paratang nila?

Tama na! Tama na!
Sino ba naman sila?
Mga naninira ng kapwa
Sa’yong sinta dapat magtiwala ka

Tama na! Tama na!
Sa kakaisip kung tama ba sila
Sa kakaisip may tama ka na
Tama nang tamang hinala

Sabi daw nila
Na ako’y nagbubulag-bulagan
Nakapikit ang aking mata
Pinaglalaruan ng harap-harapan lang
Hindi ako tanga
At hindi ako nagmamaang-maangan
Ayoko lang naman na mag-sumbatan
May kasalanan ba siya talaga?


Hindi ba kayo ang nagmahalan?
Tama
Hindi ba kayo ang nagsumpaan?
Tama
Hindi ba kayo kampi noon?
Eh ‘di bakit sila ang pinapakinggan mo ngayon?


CODA
Lalalala lala
Lalalala la lala
Lalalala lala
Lalalala la lala

Magtiwala ka
Ipasa Diyos mo lang lahat
Basta magmahal ka
Siya nang bahala
Yun ang tama
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑