Kayang Kaya

作词 : Thyro Alfaro/Yumi Lacsamana/Nicole Omillo/Julian Trono/Janine Teñoso/John Roa/Jeric Medina/Jem Cubil/Pio Balbuena/Christopher John Ongkiko
作曲 : Thyro Alfaro/Yumi Lacsamana/Nicole Omillo/Julian Trono/Janine Teñoso/John Roa/Jeric Medina/Jem Cubil/Pio Balbuena/Christopher John Ongkiko
Minsan para bang walang katuwang
Wala ring makapitan

Nag-iisang lumalaban at para bang
Ika’y napanghihinaan
Parang tumigil ang daigdig sa paggalaw
At tila ba nais mo na lamang na bumitaw

Woh-oh
Ngunit lahat nang ‘to ay malalampasan
Woh-oh
Hindi Niya tayo iiwan

‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay
Sadyang kayang-kaya
‘Di man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo
Manalangin at ‘wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta’t sama-sama

Kayang- kaya oh
Kayang-kaya…
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya…

Gaano pa man kabigat ang ulan
Tayo ay makakaahon
At gaano pa man kalayo ang pampang
Tayo’y makadadaong
Hindi titigil ang daigdig sa paggalaw

At may pag-asa pa
Kaya’t ‘wag kang bibitaw

Woh-oh
‘Di ba’t lahat ng ‘to ay malalampasan
Woh-oh
Hindi Niya tayo iiwan

‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay
Sadyang kayang-kaya
Hindi man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo
Manalangin at ‘wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta’t sama-sama

Unti-unti man sa paghakbang
Ito’y ating malalampasan

Kaya sige lang
Sige lang sa paghakbang
Ang bagong bukas ay nag-aabang

Mahirap talagang mabuhay dito sa mundo
‘Wag kang magalit nagsasabi lang ako ng totoo
Marami nang nasira at tila hindi na mabuo
Pero magugulat silang lahat kasi alam ko
Malalampasan mo pa ‘to
Pilipino ako kakaiba ‘to
Marami na ‘kong sinalong binato
Mga pangit na nakaraang dinaanan
Ngayon ay nginingitian ko
‘Pag merong problemang tumira
At hindi na masalag ‘to
Pinipikit ko ang mga mata
Yumuyuko dinadasalan ko

Tagumpay ang hatid ‘pag sama-sama
Tayong nagkasundong hindi magsama-sama
Pansamantala lamang ’to, gano’n naman palagi
Ngayon ay lumalaban, bukas tayo’y babawi
Umaga o tanghali o hapon o gabi
Sana’y pag-asa lagi ang mangibabaw
‘Wag mag-alala kung nahihirapan ka ngayon kasi
Darating naman ang madaling araw, araw

Woh-oh
‘Di ba’t lahat ng ‘to ay malalampasan
Woh-oh
Hindi Niya tayo iiwan

‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay
Sadyang kayang-kaya
‘Di man hawak-kamay
Ang puso natin ay
Laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo
Manalangin at ‘wag susuko
Tayo ay magtatagumpay
Basta’t sama-sama

Kayang-kaya oh
Kayang-kaya… (kaya natin ‘to)
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya…
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya…
Kayang-kaya oh
Kayang-kaya…
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑