Diwa

歌手: Guddhist Gunatita • 专辑:Metamorphosis • 发布时间:2021-04-09
作词 : Genesis Lago
作曲 : Genesis Lago
Nais ko lang naman na maramdaman nyo
Kung ano ang aking nararamdaman
Tuwing naglalakbay ako sa kalawakan ng kamalayan


Minsan sinasampal ako ng sarili ko,
Kailangan ko din ng kalinga aaminin ko,
Minsan nalilito, minsan nawawala,
Minsan panga hindi ko na alam kung may mapapala,

Ang hirap makipaglaro sa buhay,
Ang hirap sa syudad, balian ng sungay,
Sinong tunay, mabuti na patnubay,
Kailangan mong patunay kung gusto mo makasilay,

Sa mundong materyal nakakasilaw,
Hanggang kelan ba tayo nyan mapupukaw,
Sagot sa uhaw ng kaluluwa
Ay pagibig na kailangan mong ipasa sa iba.




Nais ko lang naman na maramdaman nyo
Kung ano ang aking nararamdaman
Tuwing naglalakbay ako sa kalawakan ng kamalayan


San bato pupunta, san ako pupusta?
San ako uuwi, kapag ayokong umuwi?
Gusto lang naman na, maramdaman na
Makapagpahinga, malayo at nag-iisa

Minsan diko na alam ang nararamdaman,
Kasi nga diko rin naman kayo maramdaman,
Pasensya na kung minsan nagugulo,
Pasensya na kung minsan damay kayo sa pagkalito,

Ng puso ko't isipan
Madalas pagsawaan,
Madalas mapaglaruan,
Madalang mahawakan,

Pano malulunasan,
Ang mga kahinaan,
Kung sa iba nakadepende,
Ang yong kalakasan?


Nais ko lang naman na maramdaman nyo
Kung ano ang aking nararamdaman
Tuwing naglalakbay ako sa kalawakan ng kamalayan
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑