Kapangyarihan (feat. SB19)

歌手: Ben&Ben SB19 • 专辑:Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno • 发布时间:2021-08-29
作曲 : Paolo Benjamin G.Guico/Miguel Benjamin G. Guico/John Paulo Nase
 Akala niyo ba, ang kapangyarihan
 Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
 'Di naman kami nagkulang
 Sa aming pag-uunawa
 'Di ka namin isusuka
 Kung hindi ka pa sukdulan
 Huwag niyong tapakan ang katarungan
 Akala niyo ba, ang kapangyarihan
 Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
 Magwawagi ang katotohanan
 Ang kadiliman ay ibabagsak
 Nagsisilbi ka dapat
 Nagsisilbi ka dapat
 'Di ba dapat ikaw ang nagsisilbi sa 'min?
 Bakit tila kami'y nananaginip nang gising?
 Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
 Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata n'yo'y mamulat
 Magising sa sigaw na sumasalamin
 Sa sumpa n'yong magsilbi sa amin
 Tuluyang nawalan ng bisa
 Ba't sinaulo't 'di sinapuso bilang ng buhay ng tao?
 Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
 'Wag n'yong kalilimutan na hawak-hawak namin ang inyong trono
 Nadidinig n'yo pa ba 'ko?
 Pangako'y napako dahil sa korona sa ulo n'yo
 'Di na magpapaalipin pa sa mga rehas mo
 'Di mabubuwag ng kahit anumang sindak
 ang katotohanang 'to
 Ibon na malayang lumipad
 'Di mo na makukulong
 Akala niyo ba, ang kapangyarihan
 Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
 Magwawagi ang katotohanan
 Ang kadiliman ay ibabagsak
 Akala niyo ba, ang kapangyarihan
 Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
 Magwawagi ang katotohanan
 Ang kadiliman ay ibabagsak
 Nagsisilbi ka dapat
 Nagsisilbi ka dapat
 Katotohanan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
 Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
 Makatarungan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
 Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
 Nagsisilbi ka dapat
 Nagsisilbi ka dapat
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑