Ilang Tulog Na Lang

歌手: Ben&Ben • 专辑:Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno • 发布时间:2021-08-29
作曲 : Tony Muñoz/Paolo Benjamin G.Guico
 Ang ′yong bisig ang sandalan
 'Pag nangangawit na ang walang hintong isipan
 Ang ′yong tinig ang takbuhan
 Kapag walang ibang gustong mapakinggan
 Ikaw ang aking palagi
 Ako'y iyong kakampi (kakampi)
 At kung sa hirap ay aabutin
 Basta ba't magkatabi
 Bukas, ang sulat ko′y iaabot
 Laman nito′y 'wag ilagay sa limot
 Kalawakan ko ang ′yong kamay
 Bukas, ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa 'yo, oh, irog
 At mga diwa natin ay hindi na mawawalay, hmm
 Ikaw ang aking (ikaw nga) katahimikan (tahimik)
 Kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan (ooh, ooh, ooh, ooh)
 Kahit nga ang (kahit nga ang) kadiliman (kadiliman)
 Kapag ikaw na ang ngumiti
 Matatabunan (ooh, ooh, ooh)
 Bukas, ang sulat ko′y iaabot
 Laman nito'y ′wag ilagay sa limot
 Kalawakan ko ang 'yong kamay
 Bukas, ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa 'yo, oh, irog
 At mga diwa natin ay hindi na mawawalay, hmm
 Matatapos din ang pangungulila kong ito (pangungulila)
 Ilang tulog na lamang ang bibilangin ko
 Sulat ko′y iaabot, laman nito′y 'wag ilagay sa limot
 Kalawakan ko ang ′yong kamay
 Bukas, ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa 'yo, oh, irog
 At mga diwa natin ay (at mga diwa natin ay)
 Mga puso natin ay hindi na mawawalay
 Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
 Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh-ooh, ooh-ooh
 Ooh
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑