Tanggap Ko Na

歌手: J-Black • 专辑:Broken Hearted Song, Pt. 2 • 发布时间:2022-03-27
作词 : Jonel Navarro
作曲 : Jonel Navarro
1st Verse:



Sa mga oras na to batid ko na iba na ang yong kayakap
Sa mga oras na to alam ko na hindi mo na ako hinahanap
Sa mga oras na to may iba na sa Iyong lumalambing
Pero sa oras na to ay diko rin saiyo maitatangging
Miss na kita ?? pero sarili ko'y dapat pigilin
Kahit na masakit para sa aking sya ang nagawa mong piliin
Ay dapat maging masaya kahit dika man sakin napunta
Dahil kaligayahan mo lang din naman
ang hangad ko mag mula noon pa
Sa tuwing pinag mamasdan ko ang ating mga larawan
Tumutul nalang bigla ang mga luha ko
ng di ko namamalayan
Na tila ba bumabalik yung masasayang sandali
Mga kulitan Ang mga harutan naten
na dahilan ng Iyong bawat ngiti
Pero ang lahat nang yon ay hanggang alaala nalang
Ayoko na rin guluhin pa inyong masayang pagsasamahan
Dahil ayon din ang bagay na di ako sigurado
Na kung sakali ba na inilaban kita balak mo ba kong ipanalo



Chorus:


Tanggap ko nang hindi ka para sa akin
Tanggap ko nang hindi na Ako
Marahil ay pinagtagpo lamang tayo
At di tayo ang itinadhana.. tanggap ko na



2nd Verse:



Oo tanggap ko nang kahit kaylan
Ma'y di na maaring bumalik ka pa sa akin
Ilang ulit man akong manalangin
Ay di ko na rin mababago dahil ito ang kanyang ipinlano
Bandang huli ako parin ang talo
Kahit buong pagmamahal man itinaya ko
Nakakalungkot na ang lahat ay sa ganito lang nauwi
Sa haba haba ng ating nilakbay
Biglang humiwalay ka din sa huli
Napagod ka nang ako ay makasama
Takot man akong mawala ka
Pilit akong nagpaubaya dahil don ka magiging maligaya
Gabi gabi na tanging alak lang ang syang kausap ko
Habang aking inaasam na sana'y
katabi ka muli sa pagmulat ko
Pati tong utak ko'y di na rin makapag isip ng tama
Ultimo nga sa pag kain nawawalan narin ng gana
Dahan dahan na akong pinapatay ng aking pangungulila
Mga luha ko ay parang patak ng ulan
Na pahirapang mapatila
Di ko na rin nga alam kung pa ako kukuha ng lakas
Dahil sa sobrang sakit tila puso ko
Ay malapit na ring kumalas
Pasensya ka na kung kaylangan ko pang sabihin
Ang mga bagay na to
Kahit tanggap ko na'y di ko parin
maikakailang nasasaktan ako
Dahil sa twing makikita ko ang inyong mga larawan
Na magkayakap sa sakit ay gusto ko ng itarak
Sakin ang patalim kong hawak
Pasensya ka na dahil gusto ko lamang
Ilabas ang aking saluobin
Pagod nakong magpanggap na Masaya
pati ang sarili ko ay lokohin
Oo tanggap ko na na ako ay ipinagpalit mo sa iba
Pero ang di ko tanggap
bakit sa kabila ng lahat mahal parin kita

Chorus:
Tanggap ko nang hindi ka para sa akin
Tanggap ko nang hindi na Ako
Marahil ay pinagtagpo lamang tayo
At di tayo ang itinadhana.. Tanggap ko na

Tanggap ko na...
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑