Ngayong Matanda Nako

歌手: J-Black • 专辑:Ngayong Matanda Nako • 发布时间:2022-04-23
作词 : Jonel Navarro
作曲 : Jonel Navarro
naaalala ko pa anak nung ika'y sanggol pa lamang
noong sa mundong to'y wala pang nalalaman
ay ako na ang nagsilbi mong guro
naaalala ko pa nga non madalas kang magturo
ng kung ano ano sa twing tayo'y lumalabas
at pag diko binili iiyak ka ng malakas
hindi ka makatulog pag hindi ka niyayakap
ako yung unang pumapalakpak sa twing nailalakad
mo ng paisa isang hakbang ang yong mga paa
dahil sayo'y nalilimutan ang problema kong dala
hahalikan ka sa leeg sa twing pupulbuhan kita
sinasabayan ang pautal utal mong salita
yan yung mga panahong napakasarap balikan
mga sandalaling nagagawa pa kitang tabihan
di tulad ngayong malaki ka na laki ng pagbabago
pwede mo nang balewalain kase matanda nako

pasenysa ka na anak kung nagiging pabigat
na ako.. hirap nang tumayo
at hirap nang mag lakad
unawain mo sanang mahina na ang aking katawan
dala ng katandaan ,iba't ibang sakit narin
ang nararamdaman.


ngayong uugod ugod nako anak pasensya na
kung may mga gawaing bahay na diko na magawa
pasensya na kung may kulang sa mga inutos mo sakin
matanda na kase ako at masyado nang ulyanin
pasensya na kung madalas nakong makabasag
ng pinggan kase kamay ko ay mahina ng humawak
wag mo naman akong sigawan pag di ka narinig
unawaain mo sanang mahina na aking pandinig
naaala mo pa ba noong ikaw pa'y maliit
inuunawa kita kahit gano ka kakulit
kahit anong mabasag mo ay di kita pinag buhatan
mas inaalala kong baka ikaw ay nasungatan
anak sana ay wag ka naman saking magalit
sa twing nagpapaturo ako kung pano gumamit
ng telepono anak naaalala mo pa ba ?
di ako nairita nung tinuturuan kitang magbasa


pasenysa ka na anak kung nagiging pabigat
na ako.. hirap nang tumayo
at hirap nang mag lakad
unawain mo sanang mahina na ang aking katawan
dala ng katandaan ,iba't ibang sakit narin
ang nararamdaman.


ngayong matanda nako anak unawin mo sana
kung napapadalas narin akong maihi sa kama
sana ay maisip mong dala lang ng katandaan
at kung ilang lampin narin aking mga nilabahan
noong ika'y sanggol pa lamang at wala pang nalalaman
ilang gabi din ang aking mga pinagpuyatan
sana anak ay wag mo naman saking pagdiinan
kung iba na ang amoy ko wag mo sanang pandirihan
pasenysa na anak kung minsan ako ay mabaho
iba't ibang sakit na kase sakin ang dumapo
at mas lalong nanghihina pag ako'y nilalamig
at isa pa wala na rin akong lakas pang mag igib
pasensya na anak kung masyado na akong pabigat
at sa mga bayarin mo ay walang maiambag
tanging magagawa ko lang ngayon ay mahalin kita
habang sa mundong to'y may araw pa akong natitira

pasenysa ka na anak kung nagiging pabigat
na ako.. hirap nang tumayo
at hirap nang mag lakad
unawain mo sanang mahina na ang aking katawan
dala ng katandaan ,iba't ibang sakit narin
ang nararamdaman.

pasenysa ka na anak kung nagiging pabigat
na ako.. hirap nang tumayo
at hirap nang mag lakad
unawain mo sanang mahina na ang aking katawan
dala ng katandaan ,iba't ibang sakit narin
ang nararamdaman.
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑