Hatinggabi

作词 : Levi Celerio
作曲 : Antonio J. Molina
Hatinggabi ngayong sakdal dilim sa aking buhay
Ngunit pag-ibig mo ang siyang naging tanglaw
Pumayag kang ako’y maging iyo at akin lamang
Ang puso mong tapat sa ating sumpaan

Ang manga dahon sa sanga ng mga halaman
ay sumasayaw sa mabanayad na amihan
At ang batis sa galak ay umiindak wari’y natutuwa
sa tunay nating pagmamahalang walang kapantay sa kasiyahan
Kay palad natin, hirang

Halina irog ko sa aking piling
Lapitan mo ako sa gitna nitong hilahil
Samantalahin mo ang buhay natin
Tayo’y magsama sa dusa man at aliw

Ah!

Halina irog ko sa aking piling
Lapitan mo ako sa gitna nitong hilahil
Samantalahin mo ang buhay natin
Tayo’y magsama sa dusa man at aliw
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑