Bangungot

歌手: Jan C Beats • 专辑:Bangungot • 发布时间:2023-05-19
作词 : Philip Niño Antiporda
作曲 : Philip Niño Antiporda
Bangungot by Jan C Beats

Verse 1:
Nasan ako, ano bang lugar ito
balahibo nanayo, gusto ko na lumayo
pero bakit ganito 'di ako makakibo
nakatali ng panyo, 'di magawang tumakbo

Ahh! Merong parating lalaking nakaitim
papalapit sya sa akin tiyak may balak gawin
Nanlilisik ang tingin, yung hawak nyang patalim
agaran nyang itinarak sa dibdib ko kay diin

Minumulat ang mata habang hirap huminga
sino ka bang salaring 'di maaninag ang mukha
Anong aking nagawa, saan ba ko napunta,
ba't patuloy nakikita katawan kong bulagta

Chorus:
Isang gabi habang solo sa silid
naidlip, sandali, walang nakakarinig
Hanggang ma,punta sa kakaibang daigdig
Di alam kung paano sa mundo makabalik

Verse 2:
Papalapit iba naman nilalang
kakaiba ang itchura, 'di nakita kailanman
kuko niya'y matatalim, mahahaba ang pangil
hindi mo gugustuhing ika'y kanyang sakmalin

Ahh! sya ay dumagan habang ako'y duguan
leeg ko ay sinakal lalong naging kritikal
habang pinipigil nya itong aking paghinga
kita sa kanyang mukha labis na pagkatuwa

Wala akong magawa, kung 'di panoorin sya't
hinataying nalang tuluyan na ako ay mawala
Sa gitna ng kawalan ng pag asa ay bigla
na lang akong nagising ng pawisan at tulala, ahh!

Repeat Chorus:
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑