Dalangin

歌手: Hello Belinda • 专辑:Dalangin • 发布时间:2024-05-03
作词 : Clark Steven Maas
作曲 : Clark Steven Maas
Subukan nang lumapit sa akin
Ako ang dinggin
Hayaan na sa awit
Ika’y makausap muli

Ano ang sasabihin?
Bakit ‘di mo pa maamin?

Paano kung sakaling,
Lumiyab ang ating damdamin?
Kutob ko na hindi rin
Kusang ika’y umalis

Katotohanang nagpasya
Sa mga tala nawala
Ningning ng mata’y hinahanap

Sa panalangin ko
Na makapiling mo
Ibibigay lahat  sa iyo

Dinadalangin ko
Na kahit ayaw mo
Pag-ibig ang gagabay sa iyo

Sa panalangin ko…
Dinadalangin ko…

Kumusta ka na?
Okay ka lang kaya?
Sana masaya ka
Ako? Magiging okay naman
Siguro matatagalan pa
Pero gusto ko lang sabihin sa’yo
Na mahal parin kita

Kahit hindi na tayo nagkaka usap
Iniisip ko pa rin ang mga araw na nandyan ka
At kahit sa mga ulap at mga tala
Ay ‘di ka mahanap
Ng mga linyang tumatak sa aking inakalang, pinilit
Sa bawat minuto, sa bawat oras at sa magdamag

Tulad ba ng buwan,
Aalis ka din ba pagdating ng araw?

Kung susubukan mang buksan ang mga puso
Hinihiling ko lang na sana mapansin mo
Huwag kang mag-alala ‘di ka pababayaan
Hindi mawawala, Ikaw ay iingatan
Kung darating man ang umaga na wala ka
Ihahatid na lang sa buwan at mga tala

Dinadalangin ko…
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑