Magkaisa

歌手: Rudebwoy MNL Apoc the Death Architect Audio Rebel • 专辑:Magkaisa • 发布时间:2025-04-18
作曲 : Vjay 'Krayzie-V'Dano/Rap 'Apoc' Dela Fuente/Leal Nanca
You a now chune in, inna di Rudebwoy era

Kelan ba magkakaayos
ang partidong pula at asul
ilan sa kapatid natin
mahihimlay ulit sa ataul
hindi ka ba nagsasawa
mawala ang lahat sa iyo
at habang may bukas pa
kapatid, simulang magbago
dahil

ayoko na ng gulo
sawa na rin ang mundo
ilan sa kapatid natin
ang kelangan ng maglaho
para
lahat tayo magising
alam kong mahirap gawin
pero sa puntong ito
kelangan ng magkaisa

Sa libu-libong namatay sa kamay ng mapangabuso
natukso sa pera at kapangyarihan ng pamumuno
kalayaan ang sigaw mga boses humihiyaw 
kahit sinongg umupo may pilit na umaagaw
walang pinagkaiba sa panahong tayo'y sinasakop
pinagpalit ang kalayaan at kalagayan ng mga tao
sakim sa kapangyarihan ganid ng karahasan
sakim sa kababayan yan ang daing ng kabataan
hindi ba nasayang ang mga sinulat ni Pepe
kabataan sana pag asa ngunit nilamon ng sarili
hindi ba nasayang ang sigaw ni Bonifacio
kapwa Pilipino pumatay sa liderato
eto bang gusto ng mga nagbuwis ng buhay
eto bang gusto na makamit ang kalayang tunay
hiling ko lang sana nabigyan ng solusyon
ang dekadang laban sigaw ng rebolusyon 
ahh

Ako'y sawang-sawa na sa ating sistema
walang man lang pagbabago kahit atin Pangulo
Kasi, bakit ba lahat ng tao nagmamarunong
kahit isa sa ating walang marunong magtanong
Ayaw patulong gusto nila sulong ng sulong
kaya hindi umuunlad ayaw gumulong ng gulong ng kanilang palad
Pinaghirapan ay lumipad 
ngayong nagmumukmok dahil sila'y tinatadtad ng problema
sila'y nilamon ng sistema
tanungin mo siya sagot nya bahala na
payong kaibigan to subukan mo kaya magbago
dahil dyan nakalaan ang iyong pagasenso
kapatid, huwag itong baliwalain
dahil dyan liliwanag ang mundo mong madilim
subukan maniwala magdasal sa Diyos
dahil si Hesus and daan sa iyong pag aayos, I
oooohh
kasi watak-watak
hindi tayo magkasundo
kaya naman wasak
kaliwa at kanan tayo'y nagkakalat
tema lang ng buhay ang gusto ng lahat
presyo ng bilihin kelan ba baba
kalidad ng edukasyon bakit malala
trabaho sa lahat bakit hirap magawa
krimen at kurapsyon bakit hindi mawala
laganap ang droga
yung trapik grabe ang sobra
pag mag-eeleksyon puro porma
pulitikong puro bokya
magsasaka laging olats
at aktibistang natodas
kabang ng bayan najombag
hustisya bat nakaposas eto ang oras
ating maling nakagawin ay dapat baguhin
hidwaan nating mga Pilipino dapat tapusin
mahalin natin bawat isa yun dapat habulin
upang makapagbuklod yun dapat ang layunin

Kelan ba magkakaayos
ang partidong pula at asul
ilan sa kapatid natin
mahihimlay ulit sa ataul
hindi ka ba nagsasawa
mawala ang lahat sa iyo
at habang may bukas pa
kapatid, simulang magbago
dahil

ayoko na ng gulo
sawa na rin ang mundo
ilan sa kapatid natin
ang kelangan ng maglaho
para
lahat tayo magising
alam kong mahirap gawin
pero sa puntong ito
kelangan ng magkaisa
📥 下载LRC歌词 📄 下载TXT歌词

支持卡拉OK同步显示,可用记事本编辑